Ito ay galing sa panitikang persya, nagsimula ang istorya ng may isang manghuhula. Sinabi nito kay Haring Layo na ang sanggol na dinadala ng kanyang minamahal na asawa, ay siya ring papaslang sa kanya sa hinaharap. Nag-alala dito si Haring Layo at inutusan niya ang isang pastol na patayin ang sanggol nang manganak na si Reyna Yokasta. Ngunit naawa ang pastol at naisip na hindi nalang ituloy ang pagpaslang. Iniwan niya nalang ito sa isang matarik na bundok.Isang pastol naman mula sa Corinto ang napadaan at nakakita sa umiiyak na sanggol. Kinuha niya ito at ipinagkaloob sa hari at reyna ng Corinto na hindi pinalad na magkaanak. Tinuring ng hari at reyna bilang tunay na anak ang sanggol na nagngangalang Edipo.Sa paglaki ni Edipo, marami siyang naririnig na hindi daw siya ang totoong anak ng hari at reyna. Dahil dito, nagpunta siya isang manghuhula at itinanong ang katotohanan. Hindi nasagot ng manghuhula ang kanyang katanungan ngunit sinabi na siya ang papatay sa sariling ama.Sa pag-aakalang si Haring Polivio, ang hari ng Corinto, ang kanyang tunay na ama, lumisan siya sa patungong Tebes upang hindi matupad ang hula. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya si Haring Layo. Napatay ni Edipo si Haring Layo na hindi nalalaman na ang hari ang tunay niyang ama.Hindi nagtagal at naging asawa ni Edipo si Reyna Yokasta. Lingid din sa kanyang kaalaman na ang reyna ang tunay niyang ina. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na nagngangalang Eteocles at Polinice.Dumating an panahon na nalaman na nila ang katotohanan. Hindi nila ito natanggap. Binulag ni Haring Edipo ang sarili at si Reyna Yokasta naman ay nagpakamatay. Nagtapos ang storya na isang trahdeya.
Repleksyon:
Maraming katulad o kamukhang kwento ang istoryang nabasa, marami din ang may gusto ng uri ng ganitong paksa. Dahil karamihan ng mga tao ay nakakaranas ng ganitong pangyayari. Kung kani-kanino, kung saan-saan ipinagtatanong ang mangyayari sa kinabukasan at kung hindi maganda o magustuhan sinusubukan itong pigilan o ibahin ang itinakda sa hula. Hindi na bago ang ganitong mga gawin dahil nasa kultura na ito ng mga Pinoy. Magbabayad ng salapi upang malaman ang kapalaran, ngunit walang kasigaraduhan kung may katotohanan. Ang kapalaran ay hindi nababago gaya nang ating mga kapalaran. Kaya naman gumawa ka ng mabuti at bibigyan ka ng walang hanggan na buhay ng langit. Hindi mahalaga kung malalaman mo ang kapalaran sa nalalapit na panahon, importanteng mag pokus muna sa hinaharap at intindihin ang pananalig sa Diyos. Hindi yung kung kani-kanino mo tinatanong ang iyong kapalaran.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento