Mga Post

Ito ay galing sa panitikang persya, nagsimula ang istorya ng may isang manghuhula. Sinabi nito kay Haring Layo na ang sanggol na dinadala ng kanyang minamahal na asawa, ay siya ring papaslang sa kanya sa hinaharap.  Nag-alala dito si Haring Layo at inutusan niya ang isang pastol na patayin ang sanggol nang manganak na si Reyna Yok asta.  Ngunit naawa ang pastol at naisip na hindi nalang ituloy ang pagpaslang. Iniwan niya nalang ito sa isang matarik na bundok. Isang pastol naman mula sa Corinto ang napadaan at nakakita sa umiiyak na sanggol. Kinuha niya ito at ipinagkaloob sa hari at reyna ng Corinto na hindi pinalad na magkaanak. Tinuring ng hari at reyna bilang tunay na anak ang sanggol na nagngangalang Edipo. Sa paglaki ni Edipo, marami siyang naririnig na hindi daw siya ang totoong anak ng hari at reyna. Dahil dito, nagpunta siya isang manghuhula at itinanong ang katotohanan. Hindi nasagot ng manghuhula ang kanyang katanungan ngunit sinabi na siya ang papatay sa saril...